Katanungan
kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
Sagot
Makikita na positibo ang economic performance ng bansa kung ang Gross Domestic Product ay kakikitaan ng pag-angat.
Mahalaga sa isang bansa o teritoryo ang ekonomiya sapagkat ito ang nagsisilbing tagatustos sa pangangailangan ng bansa partikular na ng mga mamamayan nito.
Kung kaya naman, sinisikap ng pamahalaan sa pangunguna ng pangulo o lider ng bansa na palaguin ito sa ilalim ng kanyang termino upang sa gayon ay maiangat ang lagay ng bansa.
Upang maiangat ito nangangailangan ng maayos na pamamalakad sa produksyon ng iba’t ibang produktong ipinagbibili ng bansa sa loob at labas ng nasasakupan nito gayundin ang pagkakaroon ng tapat na mga namumuno upang maiwasan ang paggamit ng salapi ng bansa sa pansariling kalinangan.