Kailan tinugtog ang pambansang awit?

Katanungan

kailan tinugtog ang pambansang awit?

Sagot verified answer sagot

Tinugtog ang pambansang awit noong Hunyo 12, 1898. Ang pambansang awit ng bansang Pilipinas na pinamagatang Lupang Hinirang ay mayroong orihinal na titulong Marcha Filipina Magdalo na ang kompositor ay si Julian Felipe.

Ito ay kauna-unahang ipinatugtog noong ika-12 ng Hunyo taong 1898 kasabay ng deklarasyon ng Unang Republika ng bansang Pilipinas at kalayaan na isinagawa sa Kawit, Cavite.

Ang bandang tumugtog ay pinangalanang San Francisco de Malabon na pinangunahan ni Felipe.

Makalipas ang isang taon, ang akda ni Jose Palma na pinamagatang Filipinas ang naging titik ng awitin na nailathala namann sa La Independencia noong ika-3 ng Setyembre taong 1899.