Kakayahang makaramdam sa isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran

Katanungan Sagot

Katanungan

Kakayahang makaramdam sa isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran… ano po ibig sabihin nito? May makatulong sana sa akin. Hindi ko kasi masyado ma-gets haha

Sagot verified answer sagot

Kakayahang makaramdam sa isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiranAng kakayahang makaramdam sa isang karanasan at tumugon nang hindi dumaraan sa katuwiran ay tinatawag na panloob na pandama o tinatawag na internal sense.

Ito ay ang mga bahagi ng ating pagkatao na sumasakop sa takbo ng isip na kung minsan ay nangyayari ng agaran.

Kabilang sa mga panloob na pandama na ginagamit natin sa pagtugon kahit hindi dumaraan sa katuwiran ay ang kamalayan o consciousness, alaala o memory, imahinasyon, at ang instinct na sinasabing ugat ng pagdedesiyon kahit hindi dumaan sa katuwiran dahil ito ay ang rekasyong nag-uugat sa pagnanais na makaiwas sa anumang bagay na masama.