Kanino mo iaalay ang tagumpay bakit?

Katanungan

Kanino mo iaalay ang tagumpay? Bakit?????

Sagot verified answer sagot

Kung ako ang tatanungin, ang aking mga tagumpay sa buhay ay iaalay ko para sa aking pamilya at para na rin sa Diyos.

Unang-una, inaalay ko ang aking mga tagumpay sa Diyos bagamat kailangan ko siyang pasalamatan para sa lahat ng kanyang biyayang ipinagkaloob sa akin bilang Maykapal.

Ikalawa naman, ang mga tagumpay ko ay aking isinasaalang-alang rin sa aking pamilya dahil sila ang pangunahing nagbibigay ng suporta at gabay upang marating ko ang aking mga layunin, matupad ang aking mga pangarap, at makaranas ng tagumpay sa aking buhay.

Maliit man o malaki ang aking tagumpay sa buhay ay lagi kong iaalay ang mga ito sa Diyos na Poon at sa aking pamilya na mahal sa buhay.