Katangian ni madame Forestier?

Katanungan

Maaari po bang malaman ang mga katangian ni Madame Forestier? Salamat..

Sagot verified answer sagot

Si Madame Forestier ay isa sa mga tauhan sa maikling kwento na may pamagat na Ang Kwintas. Siya ay isang sopistikadong tauhan.

Inilalarawan siya ng may akda bilang may angking kagandahan, maganda, mayumi, at magara ang kanyang paraan ng pananamit.

Gayunman ang kanyang pisikal na katangian, si Madame Forestier ay mapagkumbaba pa rin. Siya ay matulungin sa kanyang kapwa.

Lagi syang maaasahan kapag may suliraning kinakaharap. Mapagbigay siya. Hindi niya ipinagdadamot ang kung anong meron siya.

Higit rin ang pagiging malasakit niya sa kanyang kapwa. Malawak rin ang kanyang pang-unawa at hindi basta-basta nagagalit sa ibang tao, kahita na siya ay naaagrabyado.