Katanungan
Kilos Lokomotor (10 Halimbawa)?
Sagot
Lokomotor ang tawag sa uri ng mga kilos kung saan ang isang tao ay gumagalaw mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar.
Ang sampung halimbawa ng kilos lokomotor ay ang mga sumusunod:
- Paglalakad
- Pagtakbo
- Pagsayaw
- Paglukso
- Paglangoy
- Pagkandirit
- Paglundag
- Pagpapadulas
- Pag-iskape
- Mabagal na pagtakbo o jogging
Ang mga kilos lokomotor na ito ay ginagamit ng mga tao sa pang araw-araw na pamumuhay. Sa paggamit ng mga kilos lokomotor ay malayang nakakagalaw ang mga tao sa paligid at mas napapabilis nito ang pagkilos ng mga tao.
Nakakatulong rin itong kilos lokomotor upang maging malusog at malakas ang bawat tao.