Katanungan
Ano ang komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino
Sagot 
Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay isa sa mga asignaturang itinuturo (Core subject) sa Senior High School sa Pilipinas.
Ang asignaturang ito ay nakatuon sa pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit, at paggamit ng Wikang Filipino sa mga situwastong komunikado at kultural sa lipunang Pilipino.
Ang pag-aaral na saklaw ng asignaturang ito ay nakapokus na sa paggamit ng wikang Filipino, hindi lamang bilang isang daan ng komunikasyon ngunit isang midyum din na maaaring gamitin sa mga pananaliksik o mga pag-aaral.
Kasabay din nito ang pagtuklas sa wikang Filipino bilang isang wika na dapat paunlarin at pagyamanin.