Katanungan
kung anong bukang bibig siyang nilalaman ng dibdib pagpapakahulugan?
Sagot
“Kung anong bukang bibig, ay siya ring nilalaman ng dibdib.” Napakaganda ng salawikain na ito. Nais iparating nito na kahit anong mangyari, masasabi at masasabi natin ang ating kalooban.
Kapag tayo ay nasa isang sitwasyon kung saan kinakailangan nating magtimpi, minsan ay hindi na natin maiiwasan at mabubuksan nalang natin an gating bibig at makapagbibitaw ng mga masasakit na salita dahil sa tagal nating kinikimkim na emosyon.
Kaya naman napakahalaga na matutunan nating ibalanse ang ating nararamdaman at pananalita upang hindi tayo makasakit o hindi tayo masaktan.
Sa salawikain ring ito pinapatunayan na ang mga masasamang tao ay puro kasamaan lamang ang lalabas sa kanilang bibig.