Katanungan
Anong kulay ng ilaw trapiko maaari kang gumamit ng telepono?
Sagot 
Kapag ikaw ay nakahinto sa isang interseksiyon, kahit ano pa man ang kulay ng ilaw trapiko ay hinding-hindi ka maaari gumamit ng telepono.
Ito ay labag sa batas pantrapiko na nagsasaad na habang nagmamaneho, kahit na nakatigil basta umaandar ang sasakyan, at nasa pampubliko o pampribadong daan, ay bawal gumamit ng telepono.
Ang pagpapatupad ng batas na ito ay sinisigurado lamang ang kapakanan ng mga drayber at motorista. Ang paggamit ng telepono o selpon habang nagmamaneho ay maaaring magdulot ng aksidente.
Kaya naman pinapaa-alahanan ang lahat na maging responsible habang nasa daan. Ang sinumang lalabag sa batas na ito ay huhulihin at pagmumultahin.