Kung ikaw ang prodyuser, gugustuhin mo bang isapelikula ang nobelang tulad ng Harry Potter? bakit??

Katanungan

Gusto po ninyo bang isapelikula ang nobelang tulad ng Harry Potter bilang prodyuser? Bakit po?

Sagot verified answer sagot

Isa ang Harry Potter sa mga nobelang isinapelikula at tunay naman na naging patok sa masa. Kung ako ang prodyuser ng isang pelikula, gugustuhin ko pa rin na isapelikula ang nobelang tulad ng Harry Potter.

Bagamat mahaba man ang nobela ay sa tingin ko magugustuhan at kakaaliwan pa rin ito nang nakakarami.

Sa pamamagitan ng pagsasapelikula ng mga mahahabang nobela tulad ng Harry Potter ay nabibigyan rin natin ng kakayahan at oportunidad ang mga tao na malugod at magkaroon ng libangan kahit hindi sila mahilig magbasa.

Dahil aminin natin na hindi naman lahat ng tao ay mahilig talaga magbasa, kaya sa pamamagitan ng pagsasapelikula ay mas maipapalaganap pa natin ang nobela at mga aral na mapupulot dito.