Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang mga hamon ni Venus para sa pag-ibig? Bakit?

Katanungan

Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang mga hamon ni Venus para sa pag-ibig Bakit?

Sagot verified answer sagot

Kung ako si Psyche ay tatanggapin ko rin ang mga hamon ni Venus para sa pag-ibig dahil nararapat na ipaglaban at patunayan ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Cupid.

Sa kuwento nina Cupid at Psyche, nagbigay ng iba’t ibang hamon si Venus kay Psyche gaya na lamang ng mapagsama-sama ang mga butong magkakaparehas bago sumapit ang dilim, makakuha ng balahibong ginto mula sa mga tupang mababangis, makakuha ng tubig na itim mula sa talon sa pamamagitan lamang ng prasko, at makakuha ng kagandahan mula kay Proserpine na nasa kaharian na makikita sa ilalim ng lupa.

Ang mga hamong ito ay napagtagumpayan ni Psyche sa tulong na rin ng mga langgam, nagsasalitang mga halaman, agila, at tore na kung saan pinatutunayan niya na tuna yang kanyang pag-ibig kay Cupid dahil handa siyang suungin ang lahat para rito.