Kung isa ka sa magiging punong bayan paano mo mapapanatili ang kalikasan sa iyong bayan ipaliwanag?

Katanungan Sagot

Katanungan

kung magiging punong bayan ka paano mo mapapanatili ang kalikasan sa iyong bayan ipaliwanag?

Sagot verified answer sagot

Kung ako man ay magiging punong bayan, sisiguraduhin kong mapapanatili ko ang kalinisan ng aking bayan o nasasakupan.

Ako ay gagawa ng mga programa at proyektong nagbibigay importansya sa mga suliraning pangkapaligiran.

Unang-una ay magpapatupad ako ng mga simpleng alituntunin tulad ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar o kung hindi ay may karampatang parusa.

Mangangalap rin ako ng mga taong gusting magboluntaryo para sa lingguhang paglilinis ng mga kalye, kalsada, at iba pa. Maging ang mga estero o kanal ay lingguhan ko rin ipapalinis.

Kada buwan ay maaari ko ring hikayatin ang aking mga mamamayan na makilahok sa aking programa tulad ng pagtatanim ng mga halaman.