Kwento tungkol sa natatanging tao sa pamayanan?

Katanungan Sagot

Katanungan

kwento tungkol sa natatanging tao sa pamayanan?

Sagot verified answer sagot

Kwento tungkol sa natatanging tao sa pamayananIto ay tungkol sa isang masipag na tindero sa aming pamayanan. Kahit sa kaniyang murang edad, siya ay matiyaga pa ring nagtitinda at tumutulong sa kaniyang pamilya.

Bilib ako sa kaniya dahil kahit na nagtitinda siya, hindi pa rin niya nakalilimutan ang kaniyang pag-aaral. Pagkatapos ang klase, didiretso agad siya sa kanilang puwesto at tutulong sa pagtitinda.

Madalas din na siya lang ang tao sa kanilang tindahan dahil may iba pang gawain ang kaniyang nanay at tatay. Kung minsan, naglalako rin siya ng gulay nilang tinda lalo na kung walang pasok.

Natatangi siya dahil sa murang edad, imbes na maglaro, ay niyakap na niya ang responsibilidad para sa kaniyang pamilya.