Katanungan
Ano ang mga halimbawa ng laguhan?
Sagot
Laguhan ang tawag sa uri ng panlapi kung saan ang panlapi ay makikita sa unahan, hulihin, at maging sa loob ng salitang ugat.
Ang mga panlapi na maaaring gamitin sa laguhan ay tulad ng mag-, um-, nag-, -in, san-, -an, at marami pang iba. Halimbawa naman ng mga salita na may laguhan ay ang sumusunod:
- sikap (salitang-ugat): pagsumikapan (mga panlaping ginamit: pag, um, an)
- sigaw (salitang-ugat): ipagsumigawan (mga panlaping ginamit: ipag, um, an)
- hiyaw (salitang-ugat): paghumiyawin (mga panlaping ginamit: pag, um, in)
- dugo (salitang-ugat): magdinuguan (mga panlaping ginamit: mag, in, an)
Ilan lamang ang mga salitang ito ang laguhan ang uri ng panlapi na ginagamit.