Katanungan
Maaari bang gamitin ang duplicate o kopya ng lisenya sa pagmamaneho?
Sagot
Hindi kailanman pinapayagan ng Land Transportation Office (LTO) na gumamit ang isang motorista o drayber ng duplicate o kopya ng kanyang lisenya habang nasa byahe o nagmamaneho.
Kailangan ay dala-dala ang orihinal na lisensya saan man magpunta. Labag sa batas ang paggamit ng duplicate na lisensya dahil ito ay maaaring konsiderahin na peke.
Isa ring valid identification card ang lisensya kaya naman tinitignan itong maiigi para sa pagkakakilanlan ng isang taong may hawak nito.
Ang sinumang hindi susunod sa batas na ito ay maaaring pagmultahin at makulong. Laging tandan na ang pagkakaroon ng lisensya ay pribilehiyo at hindi ito karapatan.