Katanungan
Kung ito expired na ang child restraint systen pero maayos pa ang kondisyon, pwede pabang gamitin yon?
Sagot
Kung ang isang child restraint system ay expired na, kahit na maayos pa ang kondisyon nito, ay hindi na maaaring gamitin pa ayon sa batas.
Ang mga tinatawag na child restraint system sa Pilipinas ay ang mga tulad ng car seats o boosters na syang kinakailangan upang masiguro ang kaligtasan ng batang magiging pasahero ng isang sasakyan.
Ang mga child restraint system na ito ay kadalasan ginagamit ng mga batang may edad labing dalawang taon gulang at pababa, at mga batang mas maliit sa 150 centimeters. May mga standard na sinusunod ang CRS kaya naman kailangan na hindi pa ito expired kapag gagamitin.