Maaari bang gamitin sa pampublikong daan ang motorsiklo kung ito ay wala pang rehistro?

Katanungan

Maaari bang gamitin sa pampublikong daan ang motorsiklo kung ito ay wala pang rehistro?

Sagot verified answer sagot

Hindi kailan man maaaring gamitin ang isang motorsiklo sa pampublikong daan kung ito ay wala pang rehistro o hindi pa narerehistro.

Ayon sa Land Transportation office, kinakailangan munang i-rehistro ang motorsiklo bago ito mapatakbo sa pampublikong daan tulad ng mga highways at expressways.

Ang sino mang drayber ng motorsiklo ay kailangan din na may lisensyang nagpapatunay na siya ay maaaring magmaneho ng isang motor.

Ang sino man na mahuhuling lalabag sa patakaran ng LTO tungkol dito ay maaaring mahuli at maparusahan. Ang parusang ipapataw sa sino mang lalabag ay pwedeng pagmultahin, suspendihin ang lisensya, o hindi naman kaya ay maaari ring makulong.