Magbigay ka ng mga naging karanasan mo kaugnay ng barayti ng wika?

Katanungan Sagot

Katanungan

magbigay ka ng mga naging karanasan mo kaugnay ng barayti ng wika?

Sagot verified answer sagot

Ang karanasan na hindi ko makakalimutan kaugnay sa barayti ng wika ay sa tuwing kami ay umuuwi sa aming probinsya.

Noong una ay talaga namang nahihirapan ako sa tuwing ako ay makikipag usap sa aking mga kamag anak dahil may ginagamit silang wika o diyalekt na noon ko lamang unang narinig.

Ngunit laking pasasalamat ko dahil sila ay nakakaunawa at maalam magsalita ng Tagalog at iyon ang ginagamit namin kapag may nais kaming sabihin sa isa’t isa.

Hindi nagtagal ay natutunan ko na rin ang diyalektong gamit nila. Magkaiba man ang kinalakihan naming wika, hindi iyon naging hadlang upang kami ay magkaunawaan at makapag-usap dahil sa Tagalog.