Katanungan
Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang nabasa. Ipaliwanag?
Sagot
Mula sa pabulang ating nabasa na may pamagat na Ang Hatol ng Kuneho, isa sa mga kasabihang maaari nating mahalaw o mapulot ay ang ang pagtulong sa kapwa ay isang marangal na gawain.
Sa pabula, ating mababasa na tinulungan ng isang tao ang tigre na nahulog sa isang malaking butas sa ilalim ng lupa.
Kahit na may pangambang baka kainin siya ng tigre, tumulong pa rin ang tao lalo na at sinabihan siya ng tigre na hindi niya kakainin itong tao.
Naging mabuti ang tao at tinulungan ang tigre, ngunit hindi inaasahan na hindi tutuparin ng tigre ang kanyang pangako. Isa sa kanilang mga tinanong para humatol ay ang kuneho.
Sa dulo ng pabula, mas napahamak pa ang tigre dahil ito ay nahulog ulit sa butas at hindi na muling tinulungan ng tao.