Mahahalagang impormasyon kaugnay sa polio?

Katanungan Sagot

4

Katanungan

mahahalagang impormasyon kaugnay sa polio?

Sagot verified answer sagot

Isang nakakahawang sakit ang polio. Madalas tamaan ng sakit na ito ang mga kabataan, partikular na ang mga edad lima pababa.

Kaya naman napakaimportante na mabakunaan ang isang indibidwal, lalo na kung ito ay sanggol pa lamang o bagong silang.

Ang polio ay umaatake sa nervous system ng ating mga katawan, kung saan matatagpuan ang mga ugat na nag-uugnay sa ating utak tungo sa iba pang parte ng ating katawan.

Maaaring mapasa ang polio virus sa pamamagitan ng paghawak sa dumi ng kung sinomang mayroon nito. Kapag ikaw ay tinamaan ng polio, maaari kang magkaranas ng matinding pag-lagnat at hindi mo na maigagalaw ang iyong mga paa at mga kamay.