Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan?

Sagot verified answer sagot

Kahit saan pa man, mapa sa paaralan, sa bahay, o sa komunidad, ineengganyo ang mga kabataan na makilahok o magboluntaryo sa mga programa at aktibidades na inihahanda.

Ang mga programang ito ay nakakatulong hindi lamang para sa kanilang pansariling interes ngunit para na rin sa ikauunlad ng lugar na kanilang kinabibilangan.

Mahalaga ang partisipasyon nila dahil gaya nga ng sabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Kung ngayon palang ay marunong na silang lumahok sa mga pangyayari sa komunidad ay magkakaroon na sila ng ideya kung paano nila pangangasiwaan ang kanilang lugar sa hinaharap.