Maihahambing mo ba ang tula sa isang musika bakit?

Katanungan Sagot

Katanungan

maihahambing mo ba ang tula sa isang musika bakit?

Sagot verified answer sagot

Maaaring maihambing ang tula sa isang musika. Ang tula ay isang uri ng panitikan kung saan ito ay puwedeng may sinusunod na ritmo at tunog. Ito ay nagsasalaysay o naglalarawan ng mga bagay-bagay.

Ang musika naman ay maaaring tumukoy sa sining kung saan ito ay may ritmo at himig, tulad ng isang awitin. Bagamat ang tula ay kadalasang pabigkas lamang kung basahin, ay maaari itong lagyan ng musika. Kaya maihahambing ang dalawa.

Isang uri ng tula sa Pilipinas na may musika ay ang pasyon. Ang pasyon ay isa sa mga ipinamana ng mga Kastila noon. Ito ay ang pagtutula ng buhay ni Hesus.