Mailalarawan ko ang mundo bilang?

Katanungan

mailalarawan ko ang mundo bilang?

Sagot verified answer sagot

Ang mundo ay isang planeta na may bitbit na buhay ng mga tao. Ang mundo ay dapat pahalagahan dahil ito ang tinitirahan ng mga tao at ito ang kanilang pinagkukuhaan ng yaman.

Hindi dapat ito mapasakamay ng mga malalaking korporasyon para lamang sa kanilang interes, o kaya sa mga mayayaman na nais lamang kumita at gatasan ang mga taong gusto lamang mabuhay nang matiwasay at payapa.

Ang mundo ay dapat kolektibong pinangangalagaan at ginagamit, nakasasapat sa bawat isa at balanse ang pag gamit ng likas na yaman. Dapat itong ingatan dahil iisa lamang ito tinitirhan ng mga tao at iba pang nabubuhay na entidad.