Katanungan
marubdob na pagmamahal sa bayan?
Sagot
Nasyonalismo ang tawag sa marubdob na pagmamahal sa bayan. Ang isang indibidwal o mamamayan ay masasabing nasyonalistiko o may nasyonalimso kung siya ay may higit na pagmamahal sa kanyang bayan.
Isang higit na pagmamahal—higit pa sa kanyang sarili. Makikita ang pagka-nasyonalismo ng isang tao kung ipinagmamalaki niya ang kanyang pinagmulan.
Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, dapat tayo ay marunong lumingon sa ating pinagmulan. Masasabi ring nasyonalistiko ang isang mamamayan kung siya ay sumusuporta sa mga lokal na produkto at serbisyong inihahandog ng lipunang kanyang ginagalawan. Ang paggamit rin ng mga lokal na wika ay isang patunay ng nasyonalimso.