May alam ka bang ginagawa ng inyong komunidad na paghahanda pagdating ng mga panganib?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

may alam ka bang ginagawa ng inyong komunidad na paghahanda pagdating ng mga panganib?

Sagot verified answer sagot

Ang mga hakbang na ginagawa ng aming komunidad upang paghandaan ang pagdating ng mga panganib ay ang paghahanda at pagsasa ayos ng mga evacuation area bago pa man dumating ang mga sakuna.

Kanila ring inihahanda ang mga bagay na kanilang ginagamit sa pagsagip at pagtulong sa kanilang nasasakupan.

Sila rin ay karaniwang rumuronda o umiikot sa buong lugar upang magbigay anunsyo sa darating na detalye ng bagyo at sila ay nagbibigay din ng paalala upang ihanda ang mga bagay na kakailanganin kung sakaling dumating man ang panganib.

Nagsasagawa din sila ng earthquake drill upang matutunan ang mga hakbang sa lindol at nagsasagawa ng mga programming paglilinis upang maiwasan ang pagbaha.