Katanungan
Hello po, may epekto ba ang andemya sa pagtatamasa sa karapatan ng tao?
Sagot
Sa aking pananaw, hindi nakaapekto ang pandemya sa ating mga karapatan.
Kahit may pandemya, maaari pa rin tayong makapagdesisyon para sa ating sarili. Oo, may mga patakaran tulad ng pag-uwi ng maaga o pagsusuot ng face mask, pero ginagawa ito para sa ating kalusugan at kaligtasan.
Ang pag-aaral ay patuloy pa rin. Kahit online na ang klase, may access pa rin tayo sa edukasyon. At kahit na hindi tayo makalabas palagi, may teknolohiya naman na nagpapadali sa ating makipag-ugnayan sa ating mga mahal sa buhay.
Sa trabaho, marami rin ang nakahanap ng mga bagong paraan para kumita, tulad ng online selling.
Kaya para sa akin, bagamat may mga pagbabago, hindi nawala o naapektohan ang ating mga karapatan sa panahon ng pandemya.