May kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang kababaihan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

may kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang kababaihan?

Sagot verified answer sagot

Dalawa ang bahagi ng Kanluraning Asya at kontinente ng Aprika kung saan masasabi na walang total o kumpletong kalayaang tinatamasa ang mga mamamayan, partikular na ang mga kababaihan at ang mga taong parte ng LGBTQ+ community.

Ating napag-aralan sa kasaysayan na noong sinaunang panahon ay hindi malaya ang mga kababaihan, lalo na pagdating sa pagpapahayag ng kanilang mga damdamin at opinyon.

Ngunit ito ay nagbago na sa mga nakaraang taon at umunlad na rin ang estado ng mga kababaihan. Gayunpaman, may iilan pa ring bahagi sa mundo, tulad nang nabanggit sa Kanluraning Asya at Aprika, kung saan humaharap pa rin sa diskriminasyon ang mga babae at maging na rin ang mga LGBTQ+.