May kasinungalingan sa mass media kung mayroong?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

may kasinungalingan sa mass media kung mayroong?

Sagot verified answer sagot

Ang mass media ay may kasinungalingan kung nagpapahayag ito ng sariling kuro-kuro.

Ang mass media ay uri ng midyang ginagamit upang maipabatid sa mga tao saang mang lugar ang mga balita at impormasyon hinggil sa mga pangyayari sa kanilang lugar o bansa.

Isama na rin diyan ang mga suliraning kinahaharap ng pamahalaan sa iba’t ibang aspeto. Subalit ang mass media ay nagtataglay ng mga kasinungalingan kung ang kanilang ibabalita o ibabahagi sa tao ay nakabase lamang sa pansariling kuro-kuro o haka haka.

Ang isang balita ay kailangang angkop, tunay, at may batayan. Hindi maaaring ibalita ang mga bagay na walang kasiguraduhan o di naman kaya ang pokus ay kuro-kuro lamang.

Ang midya ay may mga panuntunang sinusunod tulad ng pagbabalita ng may katotohanan at walang kinikilingan kung kaya mali at hindi tama na kuro-kuro ang basehan ng impormasyong isasapubliko.