Mga hakbang na aking ipapatupad bago ang panganib, pagtama ng panganib, pagkatapos ng panganib?

Katanungan Sagot

Katanungan

Mga hakbang na aking ipapatupad bago ang panganib, pagtama ng panganib, pagkatapos ng panganib?

Sagot verified answer sagot

Ang pagtama ng isang panganib sa isang lugar, lalong-lalo na ng mga natural na sakuna o kalamidad, ay dapat igian ang paghahanda.

Bago ang panganib ay bubusisiin ko kung mayroong sira ang aming kabahayan at agad itong kukumpunihin. Itatabi ko rin ang mga mahahalagang dokumento at kagamitan, lalo na kung bagyo ang darating. Mag-iimbak rin ako ng pagkain, tubig, at gamot.

Habang tumatama ang panganib ay sisiguraduhin ko pa ring walang nasisira sa aming bahay. Ako ay makikinig sa balita para laging handa kung kailangan man lisanin ang lugar.

At sa pagtapos naman ng panganib ay magsasagawa ako ng maingat na inspeksyon. Kung may pinansala ay agad kong irereport sa kinauukulan.