Mga hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay?

Katanungan Sagot

7

Katanungan

mga hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay?

Sagot verified answer sagot

Ang lakbay sanaysay ay isang uri ng sanaysay na nagkakaloob ng impormasyon patungkol sa paglalakbay ng isang manunulat o di kaya naman ay naglalarawan sa isang lugar na maaaring lakbayin ng mambabasa.

Ang unang hakbang sa pagsusulat ng ganitong uri ng sanaysay ay dapat maalam ang may akda tungkol sa lugar o paglalakbay na kanyang paksa.

Mula sa mga magagandang tanawin, mga transportasyon o paraan kung paano makapunta sa lugar, mga pwedeng maging tulugan tulad ng hotels—lahat ng ito ay importanteng impormasyon.

Ikalawa ay dapat iayon ng manunulat ang tono sa lugar. Dapat maengganyo ng sanaysay ang mga mambabasa na magpunta sa lugar na iyon.