Mga katangian ni Tarzan

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mga katangian ni Tarzan?

Sagot verified answer sagot

Mga katangian ni TarzanSi Tarzan ay isa sa mga kathang isip na tauhan mula sa isang nobelang isinulat ni Edgar Rice Burroghs na pinamagatang Tarzan of the Apes na inilimbag noong 1912.

Si Tarzan ay isang tauhang sumikat dahil sa paninirahan niya sa kagubatan kasama ang mga mababangis na hayop. Kilala rin siya dahil sa kaniyang mga katangiang parang isang unggoy lalo na sa bilis niyang umakyat at lumipat-lipat sa mga puno.

Maliban dito, kilala rin si Tarzan bilang isang matapang, matatag, ngunit mayroong mabuting puso at angking talino. Sa kaniyang katangiang pisikal naman, siya ay matangkad, matipuno, kayumanggi ang kulay ng balat, at mayroong mahabang buhok.