Mga kwentong madalas na hango sa bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay?

Katanungan Sagot

Katanungan

Mga kwentong madalas na hango sa bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay?

Sagot verified answer sagot

Parabula ang tawag sa mga kwentong kadalasan ay hango sa bibliya at umaaakay sa matuwid na landas ng buhay. Ang parabula ay maikling kuwento na mula sa ating bibliya na nagtuturo o nag-iiwan ng mga aral para sa mga mambabasa.

Mahalaga ang pagbabasa ng parabola sapagkat natutulungan nito ang bawat indibidwal sa pamamagitan ng aral o mabuting mensaheng ipinababatid nito.

Ito rin ay nakatutulong upang madaling maunawaan ng mga kabataan ang ating banal na kasulatan o bibliya. Idagdag pa sa mahalagang dulot nito sa buhay ng tao ang napalalawak nito ang kaalaman at talasalitaan na magagamit natin sa pang-akademikong usapin.