Katanungan
mga layunin ng pamahalaan?
Sagot
Pamahalaan ang tawag sa lupon ng mga tao na kumakatawan at nangangasiwa sa isang bansa. Binubuo ito ng presidente—na siyang pinakamataaas na posisyon, bise presidente, mga senador, at marami pang iba. Maraming layunin ang pamahalaan.
Unang-una na rito ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Layunin rin nila na depensahan ang teritoryo ng bansa sa ano mang karahasan, protektahan ang mga mamamayan, at ipagtanggol ang karapatan ng mga naaapi.
Kailangan rin nila siguraduhin ang pagkakapantay-pantay ng bawat tao sa bansa at ang hustisya para sa lahat. Layunin rin nila na magpatayo ng mga infrastructure na kinakailangan para sa kaginhawaan ng pamumuhay.