Mga layunin o adhikain ni Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo?

Katanungan

mga layunin o adhikain ni rizal sa pagsulat ng el filibusterismo?

Sagot verified answer sagot

Ang mga layunin o adhikain ni Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo ay maipahiwatig, maipadama, at magising ang maalab na naisin ng mga mamamayang Pilipino upang matamo ang karapatan at kalayaan ng bayan sa kamay ng mga mananako na Espanyol.

Ang nobelang ito rin ay isinulat ni Rizal bilang alay sa kabayanihan at katapangang ipinakita ng tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at padre Jacinto Zamora na kinilala sa kasaysayan bilang GOMBURZA na nakaranas ng pagpatay gamit ang garote.

Ito rin ang nagbigay daan upang mas magising pa ni Rizal ang mga nagniningas na hangarin ng mga tao sa pagkamit ng kalayaan.