Mga paaralang pinasukan ni Rizal?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

mga paaralang pinasukan ni rizal?

Sagot verified answer sagot

Ang mga pinasukan na paaralan at unibersidad ni Jose Rizal ay ang mga sumusunod: Ateneo de Municipal, University of Santo Tomas, Unibersidad Central de Madrid, at Heidelberg.

Si Jose Rizal ay nais talaga mag aral, ngunit bilang Pilipino ay nakatanggap siya ng samu’t saring diskriminasyon mula sa mga Espanyol.

Tulad na lamang noong nag aral siya sa University of Santo Tomas na kung saan mababa ang tingin sa kaniya at panay lait sa kaniya ang mga propesor kaya hindi niya na lamang tinuloy ang pag aaral doon.

Kadalasan, indio o mababa talaga ang tingin ng mga Espanyol noon sa mga Pilipino kahit mayayaman ang estado nito.