Katanungan
mga pangunahing pangangailangan ng tao (10 HALIMBAWA)?
Sagot
Ito ay ang mga sumusunod: pagkain, bahay, damit, elektrisidad, tubig, likas na yaman, hanapbuhay, edukasyon, simpleng gadyet para sa komunikasyon, healthcare, at pamilya.
Lahat ng nabanggit ay esensyal o kailangan dahil ito ang mga bagay na makatutulong upang mabuhay.
Halimbawa na lamang sa pagkain ay kailangan ito ng tao upang hindi magutom at magkaroon ng sustansya sa katawan, sa pamamagitan nito ay may enerhiya silang nakukuha.
Nandiyan din ang bahay o tirahan upang may matirahn sila at protektado mula sa iba’t ibang panahon na nararanasan.
At nandiyan din ang elektrisidad at tubig upang makapaglinis ang tao dahil mahirap na walang tubig o kuryente.