Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?

Katanungan

Ano po ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?

Sagot verified answer sagot

Pagkonsumo ang tawag sa konsumpsyon o paggastos o paggamit sa mga produkto at serbisyo na kabilang sa isang merkado. Isa ito sa mga mahahalagang konsepto sa ekonomiks.

May mga salik na lubos na nakakaapketo sa pagkonsumo ng isang indibidwal o lipunan. Ang pagbabago ng presyo ay nagdudulot rin ng pagbabago sa konsumpsyon.

Maaaring bumaba o tumaas ang pagkonsumo sa isang produkto o serbisyo ayon sa takdang presyo nito sa kasalukuyan.

Ang kita ng isang tao ay isa ring salik ng pagkonsumo bagama’t dinidiktahan nito ang kakayahan ng isang mamimili upang bumili.

Ang iba pang salik ng pagkonsumo ay kabilang rin ang pagkakautang, mga inaasahang gastusin, at impluwensiya.