Katanungan
mga suliranin sa solid waste ng aking pamilya?
Sagot
Ang mga suliranin ay maaaring walang maayos na tapunan sa aming tahanan. Halimbawa na lamang ay wal kaming basurahan sa loob o labas ng bahay kaya minsan ay nakatambak lang sa iba’t ibang parte.
O kaya naman ay walang disiplina o tinatamad sa pagtatapon ng basura kaya lubhang apektado ang kalinisan ng aming bahay.
Maaaring magbunga ito ng hindi mainam na amoy at makakuha pa ng sakit mula sa dumi. Mahalaga na maisakatuparan ang mga patakaran sa pagtatapon upang madisiplina ang mga miyembro ng aking pamilya, at paalalahanan sila lagi na magtapon sa tamang tapunan o kaya basurahan, sa loob o labas man.