Naghimagsik laban sa mapang-aping sistema ng pagbubuwis ng mga Espanyol?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

naghimagsik laban sa mapang-aping sistema ng pagbubuwis ng mga espanyol?

Sagot verified answer sagot

Ang mga katutubo sa Ilocos at Cagayan ang naghimagsik laban sa mapang-aping Sistema ng pagbubuwis ng mga Espanyol.

Sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol sa bansang Pilipinas, ipinakilala ng mga ito ang iba’t ibang Sistema sa pamamalakad ng kolonya.

Kabilang sa mga sistemang iyan ang pagbubuwis o tributo na kung saan ang mga ari-arian, produkto, at gintong pagmamay-ari ng mga katutubo ay sapilitang kinukuha ng mga Espanyol upang maging kabayaran sa buwis na nakapataw sa mga katutubo.

Ito ang naging sanhi ng paghihirap at kawalan ng ikabubuhay ng maraming katutubong Pilipino sapagkat naging ugat ang tributo ng pagmamalabis o korupsyon sa bansa.