Namuno sa pag aalsa sa Pampanga?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

namuno sa pag aalsa sa pampanga?

Sagot verified answer sagot

Ang namuno sa pag aalsa sa Pampanga ay si Don Francisco Maniago. Ang tinutukoy nap ag-aalsa ay tinawag na Pag-aalsang Maniago na pinaniniwalaang naganap noong 1660s.

Ito ay isinagawa upang labanan ang mga Espanyol. Nagbunsod ang pag-aalsang ito dahil sa pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Kapampangan partikular na sa sapilitang paggawa sa loob ng walong buwan na kung saan ang mga manggagawa ay hindi nakatatanggap ng tamang bayad at pantay na pagtingin.

Kung kaya, sa pangunguna ni Francisco Maniago, sinunog ng mga kapampangan ang campsite ng mga Espanyol upang ipaglaban ang kanilang karapatan. Nagapi ng mga Kapampangan ang mga kalaban dahil ang mga ito ay abala sa iba pang digmaan.