Nararapat ba ang ginawa ni Armando? Bakit?

Katanungan

Ano po nararapat ba ang ginawa ni Armando? Bakit po?

Sagot verified answer sagot

Kahit saang anggulo tignan, hindi nararapat at hindi kailanman dapat gawin ang ginawa ni Armando.

Kinakailangan ni Armando matutunan ang mga modyul na iyon at para na rin siya ay pumasa sa kanyang klase.

Sabihin man na balido ang rason ni Armando kung bakit hindi niya kayang tapusin ang mga gawain na ibinigay sa kanya, dahil nga sa siya ay tumutulong sa kanyang mga magulang, ay mali pa rin na ipasagot niya ang mga ito sa kanyang kaibigan. Lalong-lalo nang mali na bayaran rin niya ito.

Ang ginawa na lamang sana ni Armando ay humingi pa nang mas mahabang oras para masagutan ang mga modyul na ibinigay sa kanya.