Outsourcing (KAHULUGAN)?

Katanungan

outsourcing (KAHULUGAN)?

Sagot verified answer sagot

Ang outsourcing ay tumutukoy sa isang pamamaraan ng kumpanya na kumuha ng mga trabahador o manggagawa mula sa kumpanyang matatagpuan sa ibang lugar na nagtataglay ng murang paggawa subalit nakapagbibigay ng de kalidad na serbisyo.

Kadalasan itong isinasagawa ng mga maypagawa upang sa gayon ay makatipid o makamura ang mga ito sa usaping labor o pasahod.

Ang outsourcing ay may iba’t ibang uri gaya ng near shoring na tumutukoy sa pagkuha ng kumpanya ng mga manggagawa mula sa bansang karatig ng kumpanya;

off-shoring o ang pagkuha ng kumpanya ng mga manggagawa mula sa malalayong bansa; at on-shoring o ang pakuha ng kumpanya ng mga manggagawa mula sa kagayang bansa.