Katanungan
paano ipinakita sa bawat sitwasyon ang pagsasabuhay ng pasasalamat sa kabutihang ginawa ng kapwa?
Sagot
Likas sa atin ang maging matulungin sa ating kapwa. Isa itong magandang asal na kailangan natin ipamahagi sa buong lipunang ating ginagalawan.
Kapag tayo ay nakatanggap ng tulong mula sa ibang tao, nararapat lamang na tayo ay magpakita ng pasasalamat sa kanila.
Isinasagawa at isinasabuhay ko ang pasasalamat ko sa aking mga kapwa na patuloy tumutulong sa akin sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Salamat” sa bawat tulong na kanilang iniaabot.
Pinapaalalahanan ko rin sila na kung sila man ay nangangailangan rin ng tulong sa hinaharap ay handa akong magbigay sa abot ng aking makakaya. Bilang isang Kristiyano, ipinagdarasal ko rin ang kanilang kabutihan.