Paano ipinamamahagi ang mga pinagkukunang yaman ng bansa?

Katanungan

paano ipinamamahagi ang mga pinagkukunang yaman ng bansa?

Sagot verified answer sagot

Ipinamamahagi ang mga pinagkukunang yaman ng bansa sa pamamagitan ng alokasyon.

Ang alokasyon ay isang sistemang pinaiiral ng gobyerno upang mapamahagi ng tiyak ang bawat pinagkukunang-yaman gayundin ang serbisyo at produkto sa bansa na kung saan ito ay kapaki-pakinabang sa pagtugon ng bansa sa lumalalang suliranin ng kakapusan.

Sa pamamahagi, kinakailangang isaalang-alang ang tiyak at matalinong paggamit gayundin ang paglinang ng mga pinagkukunang yaman upang makatugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng bansa.

Sa pamamagitan ng paglinang nito, nakapagdudulot ng kasiya-siyang aspeto sapagkat hindi nauubos ang mga pinagkukunan. Kung kaya ang mapanagutang paggamit ay hinihikayat upang maging kapaki-pakinabang ang alokasyon.