Paano isinusulat ang katitikan ng pulong?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano isinusulat ang katitikan ng pulong?

Sagot verified answer sagot

Isa mahalagang dokumento ang katitikan ng pulong. Ito ay naglalaman ng mga mahahalagang diskusyon at desisyon na nagawa at nabanggit ng mga miyembro ng pulong.

Sa pagsusulat ng isang katitikan ng pulong, pinakamahalaga ang paglalagay ng petsa at oras upang maalala kung kailan naganap ang pulong.

Kailangan na detalyado ang katitikan ng pulong. Kung sino man ang naatasan na magsulat ito ay dapat laging handa at mabilis kumilos.

Mahalagang ang mga detalye tulad ng paksa ng pulong, mga layunin, at iba pa ay mababasa sa katitikan. Maging ang lugar na kaganapan ng pagpupulong at ngalan ng lahat ng dumalo ay dapat naitala rin.