Paano ka makakatulong sa pag angat ng kalidad ng paggawa sa ating bansa?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

paano ka makakatulong sa pag angat ng kalidad ng paggawa sa ating bansa?

Sagot verified answer sagot

Makatutulong ako sa pag-angat ng kalidad ng paggawa sa ating bansa sa pamamagitan ng pagtangkilik ng produktong sariling atin.

Ang kalidad ng paggawa ng paggawa sa ating bansa ay higit na mabibigyang pansin kung ipakikita natin sa ating kapwa na tinatangkilik ang sarili nating produkto.

Ang pagbili at pagtangkilik ng mga produktong ito ay lubos na nagbibigay motibasyon sa mga tao partikular na sa mga manggagawa upang higit na pagbutihin ang kanilang pagbuo ng mga produkto.

Dahil din dito, napatataas ang moralidad ng mga tao dahil batid nilang mayroong mga indibidwal na naniniwala at tumatangkilik sa kanilang mga produktong ginagawa.