Paano Ka Makakatulong Upang Mapanatili ang Malinis na Kapaligiran?

Katanungan

paano ka makakatulong upang mapanatili ang malinis na kapaligiran?

Sagot verified answer sagot

Makatutulong ako sa pagpapanatali ng kalinisan, una, ay sa pamamagitan ng pagtapon sa tamang basurahan na kung saan may tamang lalagyan ito na nabubulok, hindi nabubulok, at naire-recycle.

Sa porma na ito, mas mapapadali ang paghihiwalay ng mga basura upang hindi bumaho ang paligid at pakalat kalat sa lansangan, dahil kung makalat ang paligid ay maaaring magkasakit ang mga tao.

Bukod pa rito ay maaari rin ako lumahok sa mga boluntaryong gawain sa mga barangay na maglinis sa mga lugar.

Sa paglilinis ng barangay, ibang bahay, at kalsada ay malaking tulong na ito para sa sarili, ibang tao, at maprotektahan ang ating kalikasan.