Katanungan
Paano nga ba mag isip si Quasimodo?
Sagot
Si Quasimodo ay ang pangunahing tauhan sa nobelang pinamagatang Ang Kuba ng Notre Dame. Siya ang tinutukoy na kuba sa kwento.
Gayunpaman ang kanyang pisikal na kaanyuan, si Quasimodo ay isang taong may mabuting pag-iisip.
Siya ay mabait sa kanyang mga kapwa, kahit na siya ay nilalait ng iba. Ipinapakita rin sa kwento na matalino ang pag-iisip ni Quasimodo. Siya ay may mga kinaharap na suliranin na kanyang napagtagumpayan.
Si Quasimodo rin ay isang mapagkumbabang tao. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Napakamatulungin rin niya. Wagas rin kung magmahal si Quasimodo.
Kaya naman masasabing napakabuti ng kanyang pag-iisip at maging ng kanyang saloobin.