Paano maiiwasan ang tuluyang pagbagsak ng ekonomiya dahil sa epekto ng pandemya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano maiiwasan ang tuluyang pagbagsak ng ekonomiya dahil sa epekto ng pandemya?

Sagot verified answer sagot

Paano maiiwasan ang tuluyang pagbagsak ng ekonomiya dahil sa epekto ng pandemyaHindi maitatanggi na malaki ang naging epekto ng pandemya sa ekonomiya ng mundo. Ang magagawa ng mga mamamayan at ng pamahalaan upang hindi tuluyang bumagsak ang ekonomiya dahil sa pandemya ay ang paglikha ng mga programang magpapatuloy sa hanapbuhay ng mga tao.

Hindi maiiwasan na kumayod pa rin ang marami sa atin dahil sila ang bumubuhay sa mga industriya. Kung makapagpapatupad ang isang pamahalaan ng mga hakbang upang mas maging ligtas kahit papaano ang mga manggagawa, patuloy na aandar ang ekonomiya kahit may pandemya.

Makapagtatrabaho ang marami kahit na may sakit na nagbabanta dahil mapapanatag ang bawat isa na mayroong hakbang para sa kanilang kaligtasan.