Paano makatutulong sa iyo ang pag aaral ng pokus ng pandiwa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano makatutulong sa iyo ang pag aaral ng pokus ng pandiwa?

Sagot verified answer sagot

Paano makatutulong sa iyo ang pag aaral ng pokus ng pandiwaMahalagang pag-aralan ang pokus ng pandiwa sapagkat dito ay malalaman mo kung anong tunay na gamit ng pandiwa sa isang pangungusap.

Ang pokus ng pandiwa ay ang pansemantikang relasyon ng simuno o paksa sa pandiwang ginagamit sa isang pangungusap.

Ang mga pandiwa kasi ay madalas na gamitin bilang panaguri o kaganapang pansimuno kaya naman ng mahalag na matukoy ang pokus ng pandiwa.

Makikita ang paggamit ng pokus ng pandiwa sa pagkakaroon ng panlapi. Sa paglalapi ay nalalaman ang kaganapan ng pandiwa sa posisyong pansimuno ng pangungusap. Ang pokus ng pandiwa ay isang mahalagang bahagi ng pangungusap at naglalahad ng gamit ng pandiwa sa pangungusap.